Nakaiskedyul na pagpo-post sa Whatsapp: paano ito gawing mabilis at madali

Nakaiskedyul na pagpo-post sa Whatsapp

Upang simulang planuhin ang post, pindutin ang “Mag-iskedyul ng post”:

Upang magdagdag ng text, pindutin ang field na “Mag-iskedyul ng post”:


Upang magdagdag ng emoticon sa text, pindutin ang emoji icon:


Piliin ang pinakaangkop na emoji at pindutin ito:


Upang magdagdag ng larawan o video sa post, pindutin ang angkop na icon:


Piliin ang katergorya ng post sa pamamagitan ng pagpindot sa arrow sa seksyon na “Pumili ng kategorya”:


Piliin ang pinakaangkop na kategorya at pindutin:


Pagkatapos, piliin ang mga group/page na kung saan ilalathala ang post. Kung may isang account lang na idaragdag sa proyekto, mapipili na ito nang default, at sa kasong ito, agad na ipapakita ang post sa seksyong Preview.
Kung nagdagdag ka ng ilang account, isang preview ng post ang laan para sa lahat ng account na ito. Sa pamamagitan ng pagpindot sa social network icon, makikita natin kung paano ang itsura ng post sa naturang social network.


Piliin ang ninanais na petsa ng publikasyon at pindutin ito:


Upang piliin ang eksaktong oras ng paglathala, pindutin ang angkop na cell at ilagay ang hinihinging mga numero:


Pagkatapos ay pindutin ang “Schedule”:


Mga Pakinabang ng Nakaiskedyul na Pagpo-post sa Whatsapp
Hindi tatagal ng isang araw ang mga espesyalista ng SMM sa malalaking kumpanya nang walang mga serbisyo ng nakaiskedyul na pagpo-post—pinamamahalaan nila ang maraming account, nagseserbisyo upang palagiang paalalahanan ang mga tagasubaybay sa mga produkto at serbisyong isinasakatawan ng mga SMM. Gayundin sa mga malalaking digital agency na kasabay na gumagawa ng ilang kumpanya.

Tinutulungan ng pagtitipid sa oras at lakas ang mga propesyunal na magbigay ng higit na atensyon sa istratehiyang pang-content, mga materyal pampatalastas, mga kostumer, at mga blogger. Alamin pa namin ang tungkol sa mga pakinabang ng nakaiskedyul na pagpo-post sa WhatsApp.

1. Napapanahong pagpo-post ng de-kalidad na content
Ang pinakamalaking pakinabang ng nakaiskedyul na pagpo-post sa Whatsapp ay ang suporta sa kalidad ng content. Tinutulungan ka ng POSTOPLAN na lumikha ng content nang higit na maaga sa pagpo-post nito. Salamat sa nakaiskedyul na pagpo-post, malinaw mong mapapanatili ang mga pagitan sa bawat mensaheng WhatsApp.
Tinutulungan ka ng nakaiskedyul na pagpo-post na maiskedyul ang maraming post para sa buong linggo, halimbawa, sa Linggo. Kaya, makakapagpokus ang espesyalista ng SMM sa ibang gawain. Bilang resulta, malaki ang pagpapabuti sa kalidad ng content.

2. Pagtamo ng maximum na saklaw na madla
Hindi magandang ideya na manu-manong mag-post ng content sa WhatsApp, lalo na kung ang madla mo ay nabubuhay sa ibang time zone. Partikular na mahalaga ito sa mga account ng mga internasyunal na kumpanyang layuning abutin ang mga madla sa iba’t ibang time zone.
Gamit ang mga nakaiskedyul na post sa WhatsApp, awtomatikong napo-post ang content sa oras na pinili mo. Maging 6:00 pm man o 3:00 am, lilitaw pa rin ang content sa feed ng tagasubaybay mo. Sa ganitong paraan, maaabot mo ang maximum na bilang ng tao sa pinakakaunting oras.

3. Sistematikong pagtaas sa pagkaepisyente ng post
Matutulungan ka ng pag-iiskedyul ng Whatsapp content na mapabuti ang karanasan mo sa social media. Pinakikita ng maraming pag-aaral na binabawasan ng multitasking ang pagkaepisyente at pagsasagawa mo. Binubuo ng mga maiikling mental block na dulot ng pagpapapalit-palit ng mga gawain ang halos 40% ng oras mo ng pagkaprodukibo.
Tinataboy ng labis na pagpapatalastas ng content sa mga business account ang mga tao. Hindi sila interesado rito. Yaon ang dahilan para sa 80/20 rule—80% ay dapat malikhaing content, at 20% lang ang sa pagpapatalastas. Tinutulungan ka ng paraang ito na maaliw ang mga tagasubaybay mo at makakuha ng mga bagong kliyente nang sabay. Tinutulungan ka ng auto-posting sa WhatsApp na isagawa ang 80/20 rule. Tinutulungan ka ng pagpaplano ng content na gumawa ayon sa napiling istratehiyang pampromosyon, masulit ang oras, at mag-post ng mataas na kalidad na content.

Nagpaparusa ba ang WhatsApp dahil sa auto-posting?
Madalas sabihing nagpaparusa ang WhatsApp para sa paggamit ng mga third-party publishing tools. Gumawa ang POSTOPLAN ng isang eksperimento upang makita kung totoo ito. Nalaman naming walang malaking kaibhan sa pagitan ng awtomatiko o manu-manong nai-post na content. Kaya, lubos kaming kumpiyansa na walang pagpaparusa para sa WhatsApp auto-posting. Magagamit mo ang mga serbisyo sa pagpo-post kahit ilang beses kahit kailan.

Mga Tip at Trick sa Serbisyong Pangkostumer ng WhatsApp
Para sa karmaihang brand, ang WhatsApp ay pangunahing isang channel para sa serbisyong pangkostumer. Para sa mga taong gumagamit sa WhatsApp bilang kanilang pangunahing gamit pangkomunikasyon, tunay na isa itong kumbinyenteng plataporma para sa pagtugon sa mga tanong o hinaing sa mga kumpanya.
Sa walong paraan ng pakikipagugnayan ng mga gumagamit sa mga brand, ikalawang pinakapopular ang pagmemensahe, (ang ibang pito ay email, pagtawag, social media, SMS, VoIP, video chat, at personal na pakikipag-usap). 53% ng tao ang mas bumibili sa isang brand na nahihingan nila ng tulong gamit ang instant messenger.
Mabilis ito, madali, at hindi gumagamit ng higit na oras ng kostumer. Hindi nakagugulat na ang WhatsApp ang paboritong channel ng serbisyong pangkostumer. Kapag ginamit nang wasto, ang WhatsApp ang magiging pinakamainam na gamit pangserbisyo sa kostumer. Isaalang-alang natin ang mga pangunahing alituntunin.

1. Laging tumugon sa loob ng 12 oras
Tila siguro walang katuturan, ngunit ang mabibilis na tugon ang gulugod ng matagumpay na serbisyong pangkostumer sa WhatsApp. Sa kasukdulan, 42% ng tao na nagmemensahe sa isang brand gamit ang isang messenger ay umaasa sa tugon na hindi lalampas sa isang oras. Dagdag pa, mas mabilis ang tugong pangnegosyo sa mga kostumer, higit ding laan ang mga kliyenteng magbayad upang makakuha ng mga produkto.
Huwag iwala ang tapat at potensyal mong mga kostumer; gamitin sa pinakasukdulan ang messenger na ito. Ang messenger ay may mahigit 1.5 bilyong aktibong gumagamit, ngunit hindi sinusulit gamitin ang WhatsApp para sa layuning pagmemerkado. Mahalagang gamitin ang messenger habang wala pang matinding kumpetisyon.

2. Samantalahin ang iba’t ibang format ng mensahe
Nag-aalok ang WhatsApp ng maraming tampok na magpapadali sa komunikasyon kapwa para sa negosyo at kostumer. Gamit ang WhatsApp, makapagpapadala ka ng mga larawan, video, lokasyon, GIF, PDF, at maging mga voice recording.
Tinutulungan ka ng iba’t ibang format na hindi malimitahan sa pagtugon sa mga kahilingan ng kostumer sa text lang. Maaaring magpadala ang mga brand ng mga video tutorial o PDF guide upang tulungan ang mga gumagamit sa mas kumplikadong mga problema, at maaaring magpadala ang mga gumagamit ng mga screenshot o video na nagpapakita ng mga isyung mayroon sila.
Higit pa rito, mapabubuti mo ang komunikasyon sa mga kostumer gamit ang mga GIF.

3. Gumamit ng mga WhatsApp chatbot
Kung may access ka sa WhatsApp Business API, makapagdaragdag ka ng isang chatbot sa business account mo upang awtomatikong sagutin ang mga madalas na katanungan. Makatitipid ka ng oras at pagod.
Gayunpaman, hindi mo maaaring iwan lang lahat ng kahilingan sa pagpapasya ng bot. Dapat magpangsyon bilang awtomatikong FAQ ang chatbot, at dapat may tao kang makasasagot sa mga bihirang tanong at magbigay ng mga personalized na tugon.
Kung wala kang access sa API, makakapagtakda ka pa rin ng mga awtomatikong mensahe at pagbat gamit ang WhatsApp Business app.

4. Ilathala ang numerong pangserbisyo mo sa WhatsApp
Walang katuturan ang pagtatakda at paghahandog ng serbisyong pangkostumer sa pamamagitan ng WhatsApp kung walang nakaaalam tungkol dito. Matapos lumikha ng isang business account at pag-aatas ng empleyado upang pamahalaan ito, magdagdag ng link, buton, o numero ng telepono saanman posible: sa mga social network, sa website mo, at sa mga email. Higit na tao ang nakaaalam dito, higit ding epektibo ang WhatsApp para sa negosyo mo.

5. Magproseso ng maraming mensahe gamit ang WhatsApp Web
Ang pagsagot ng maramihang mensahe gamit lang ang phone mo ay hindi realistiko. Ubos-oras ito at hindi nasusukat, bukod pa ang talagang sakit sa mga kamay.
Sa kabutihang palad, makakapagpadala at makatatanggap ang mga gumagamit ng mga mensahe sa pamamagitan ng kanilang browser gamit ang WhatsApp Web. Tinutulungan ka ng opsyon na itong gumawing mas mabilis at episyente ang serbisyong helpdesk mo.

Mga Tip at Trick sa aPagmemerkado ng WhatsApp
Ang WhatsApp ay tiyak na hindi ang pinakahalatang channel ng pagmemerkado. Hindi ka maaaring magsimula ng usapan sa mga kliyente, maliban sa pagpapadala ng mga notipikasyong hindi promosyonal.
Gayunpaman, may mga positibong panig din ang mga harang na ito: bagama’t may higit 1.5 bilyong gumagamit ng WhatsApp, maliit na bilang lang ng mga negosyo ang aktibong gumagamit sa plataporma para sa layunin ng pagmemerkado. Nangangahulugan itong mas kaunting kompetisyon at madla na hindi gaanong nayayamot at mas bukas sa mga kampanyang pangmerkado mo.
Dagdag pa, ang mga limitasyon sa mga pagkakataong pangmerkado sa WhatsApp ay magtutulak sa iyo na maging inobatibo sa istratehiya mong pangpromosyon at sumubok ng mga bagong paraan upang makaakit ng mga gumagamit.

1. Gamitin ang WhatsApp Status upang maabot ang mas malawak ng madla
Ang WhatsApp Status ay sikat na Stories format sa WhatsApp. May higit 450 milyon na aktibong gumagamit, na higit na malaki kaysa 300 miyon sa Facebook Stories at 186 milyon sa DAU Snapchat.
Sa pagbalewala sa paggamit ng WhatsApp Status upang kumonekta sa madla mo sa negosyo, naiwawala mo ang isang pangunahing channel ng komunikasyon. Hindi mo ba alam ang content na ipo-post?
Isa sa mga pagpipilian ay ang gamitin ang Status upang pataasin ang pagkaalam sa brand at katapatan ng mga kostumer sa pamamagitan ng mga nakaaaliw na kuwento ng buhay sa opisina mo o isang pangyayaring dadaluhan mo. Magagamit din ang pagpipiliang ito sa ibang istratehiyang pangmerkadong promosyon sa Facebook at Instagram Stories.

2. Akitin ang mga gumagamit sa pamamagitan ng mga WhatsApp group
Kung nais mong magtayo ng isang komunidad sa palibot ng brand mo sa WhatsApp, ang mga grupo ang pinakamainam. Pinapayagan nila ang pagdagdag ng hanggang 256 na tao sa isang grupo upang makihalubilo sa negosyo mo at sa isa’t isa.
NGUNIT: Pakitandaan na ang WhatsApp Group ay para lang sa serbisyong pangkostumer. Hayagang ipinagbabawal ng WhatsApp ang paggamit ng plataporma nito sa pagpapadala ng mga mensaheng pangmerkado o patalastas, maliban kung magbibigay sila ng nasusulat na permiso na gawin yaon.
Gawing iyong branded channel ang WhatsApp Group kung saan maaaring magtanong ang sinuman o magtalakay ng mga pinakahuli mong produkto o kampanya. Yamang limitado ang mga group, may kaunting pagka-eksklusibo sa kanila. Maaari mong samantalahina ito sa pamamagitan ng pagkalat ng salita sa pamamagitan ng ibang channel na ang unang 256 na taong sasali sa grupo ay may access sa mga natatanging diskwento at alok, halimbawa.
Gayunpaman, ang WhatsApp Group ay may hindi pa nagagalugad na potensyal para sa content marketing. Yamang hinahayaan ka ng WhatsApp na magpadala ng mga link, larawan, video, PDF, at higit pa, bakit hindi gumawa ng newsletter model gamit ang mga taong nakasubaybay sa mga balita, artikulong blog, at mga video mo? Napakakumbinyente nito.
Nag-eksperimento ang BBC Africa sa pamamahagi ng content sa WhatsApp gamit ang ‘Young, angry and connected’ na video. Nagpadala sila ng maiikling video sa mga gumagamit ng WhatsApp na nagpatala para sa newsletter. Ang resulta ay malaking tagumpay sa hindi kinakaugaliang channel ng komunikasyon.

3. Mag-eksperimento sa mga hindi tradisyunal na kampanya
Bago mo makaugnay ang mga gumagamit, dapat ka muna nilang sulatan. Yamang hindi mo magawang manguna, kailangang maging malikhain ka.
Ang layunin ng pagmemerkado sa WhatsApp ay upang hikayatin ang mga gumagamit na i-text ka, magbigay ng kanilang numero, o sumali sa mga grupo mo. Dapat mong gawing sulit ang kanilang oras.
Tingnan nating halimbawa ang Buyagift online store. Lumikha sila ng landing page sa kanilang website na nagpapakita ng kanilang numero sa WhatsApp at naggarantiya ng maiinam na coupon code sa mga gumagamit na nagpadala ng salitang ‘Start’ sa naturang numero ng WhatsApp.
O isaalang-alang natin ang Absolut Vodka. Nagtaguyod sila ng isang paglulunsad ng produkto gamit ang isang eksklusibong kasiyahan at ginamit ang WhatsApp para sa isang kampanyang pangmerkado upang mamigay ng mga tickcet sa kaganapan.
Nag-imbento sila ng kathang-isip na manager na nagngangalang Sven na maaaring kaugnayin ng mga tao gamit ang WhatsApp at himukin siyang bigyan sila ng mga tiket. Bilang resulta, nakatanggap ang Absolut Vodka ng tatlong araw na sunud-sunod na mensahe, higit 600 na contact, at higit 1,000 piraso ng user-generated content para sa kampanya.
Ang susi rito ay na ang pagiging malikhain at pag-aalok ng mga natatamong kalamangan sa mga taong nakikipag-ugnayan sa negosyo mo sa WhatsApp ay maaaring magdulot ng mga bagong kostumer, manghikayat ng malalim na pagkalahok, at magpataas sa pagkakilala sa brand.
Ang POSTOPLAN ay ang pinakamainam na sistema ng pamamahala para sa mga social media site at mga messenger (Facebook, Twitter, Telegram, LinkedIn, WhatsApp, Instagram, at Google My Business), na walang kapantay sa Internet. Bukod-tangi ang mga serbisyo at malakas na kakumpetensya ng Hootsuite, Buffer, AgoraPulse, Sprout Social, at iba pang plataporma. Nag-aalok ang POSTOPLAN ng pinakamainam na ratio ng kalidad/persyo sa larangan ng awtomatikong pagpo-post sa mga social network at mga instant messenger.