Nakaiskedyul na pagpo-post sa Telegram: paano ito gawing mabilis at simple

Nakaiskedyul na pagpo-post sa Telegram

Upang simulang planuhin ang post, pindutin ang “Mas-iskedyul ng post”:

Upang magdagdag ng text, pindutin ang field na “Mas-iskedyul ng post”:

Upang magdagdag ng emoticon sa text, pindutin ang emoji icon:

Piliin ang pinakaangkop na emoji mula sa listahan at pindutin ito:

Upang magdagdag ng larawan o video sa post, pindutin ang angkop na icon:

Piliin ang katergorya ng post sa pamamagitan ng pagpindot sa arrow sa seksyon na ”Pumili ng kategorya”:

Piliin ang pinakaangkop na kategorya at pindutin:

Pagkatapos, piliin ang mga group/page na kung saan ilalathala ang post. Kung may isang account lang na idaragdag sa proyekto, mapipili na ito nang default, at sa kasong ito, agad na ipapakita ang post sa seksyong Preview.

Kung nagdagdag ka ng ilang account, isang preview ng post ang laan para sa lahat ng account na ito. Sa pamamagitan ng pagpindot sa social network icon, makikita natin kung paano ang itsura ng post sa naturang social network.

Piliin ang ninanais na petsa ng publikasyon at pindutin ito:

Upang piliin ang eksaktong oras ng paglathala, pindutin ang angkop na cell at ilagay ang hinihinging mga numero:

Pagkatapos ay pindutin ang “Iskedyul”:

Mga life hack sa paglathala: Telegram

Gawing mas madali ang gawain mo sa Facebook, mas produktibo, at mas episyente gamit ang mga life hack na ito:

I-pin ang mahalagang contact

Para lagi siyang nasa itaas ng listahan ng mga chat.
Paano ito gawin:
– Tumungo sa mobile na bersyon ng application;
– Pindutin ang ninanais na chat, at i-hold hanggang lumitaw ang menu;
– Sa itaas na menu, pindutin ang “drawing-pin” icon.
Upang i-unpin ang isang contact, pindutin muli ang “drawing-pin” icon.

Magdagdag ng mahahalagang post sa Favorites mo

Tinutulungan ng messaging app ang mga gumagamit na i-save ang kanilang paboritong mga post sa hiwalay na chat.
Paano ito gawin:
– Pindutin ang repost na buton malapit sa post;
– Sa mga chat kung saan makakapagpadala ka ng isang mensahe, makikita mo ang “Favorites” na chat–pindutin ito, at pagkatapos sa “Send Message” na icon.

Lumikha ng mga di-nakikilalang channel

Nagbibigay ang Telegram ng isang pagkakataon upang makalikha ang mga gumagamit ng mga di-nakikilalang channel, na maa-access lang gamit ang isang natatanging imbitasyong link.
Paano ito gawin:
– Buksan ang messaging app menu at pindutin ang “Create Channel”;
– Sa nabuksang window, ilagay ang pangalan at, kung kailangan, isang paglalarawan;
– Pagkatapos ay pindutin ang “Create”;
– Piliin ang “Private Channel”, at ang imbitasyong link ay lilitaw sa ibaba;
– Pindutin ang “Save”.

Palitan ang domain link

Kapag nagkaaberya ang serbisyo, ang ilang link gaya ng “http://telegra.ph/Kak-delat-dengi-na-Telegram” ay maaaring hindi gumana. Upang magbukas ang link, kailangan mong palitan ang “telegra.ph” domain ng “graph.org” sa address bar.

Ano ang istratehiyang pang-content, at bakit ito kailangan?

Humihiling ang pagde-develop ng Telegram channel ng paggawa ng nakahihikayat na content, regular na pag-a-update, at paggamit ng mga ad. Bago masimulang ipatalastas ang channel mo, siguruhing mayroon kang malinaw na nailatag na istratehiyang pang-content at content na nasa channel mo na.
Ang istratehiyang pang-content ay isang uri ng istratehyang pang-merkado upang maitaguyod ang negosyo mo (o brand) sa social media. Ang isang mainam na istratehiyang pang-content ay may:

    • Isang malinaw na listahan ng mga gol at gawain
    • Isang audit ng umiiral ng mga account sa social media
    • Kumpetitibong pagsusuri
    • Isang balangkas ng mga prinsipyo ng istratehiyang pang-content mo para sa social media
    • Paglikha ng isang planong pampublikasyon
    • Mga paraan upang masukat at maanalisa ang pagkaepektibo

Ang paggawa ng isang epektibong istratehiya para sa social media ay nangangailangan ng panahon. Ang isang epektibong plano ng content ay mahalaga upang makalikha matagumpay na presensya ng kumpanya sa social media.

10 paraan upang mapabilis ang paglago ng channel mo sa Telegram
1. Gumamit ng social media
Magsimula sa pamamagitan ng pagdaragdag ng link ng Telegram channel mo sa sarili mong mga socia media page at gumamit ng mga Facebook o Instagram advertisement upang isapubliko ito. Isa pang mainam na pagpipilian ay pagdaragdag ng isang link ng channel mo sa website mo sa contact page o sa home page mo. Ang ikalawang pagpipilian ay ang pinakamainam na lugar na paglalagyan mo ng Telegram channel link mo.
2. Ilagay ang link mo saan mo man kayang ilagay
Idagdag ang channel sa mga materyal at gamit pangkomunikasyon mo gaya mga email, artikulo, at mga publikasyon sa social media. Tatanggap ka ng karagdagang trapiko sa channel mo mula sa lahat ng lugar na may kaugnayan sa brand mo.
3. Magsulat ng artikulo tungkol sa Telegram channel mo at ilathala ito sa blog mo (sa social media)
Magsulat ng isang mensahe tungkol sa Telegram channel mo at ilathala ito sa isang blog o sa social media. Kung nagustuhan ng mga taong nagbabasa ng blog mo ang content mo, magsu-subscribe sila sa channel mo. Dahil pinakanaakit ng mga larawan ang atensyon ng mga mambabasa, tiyaking gamitin sila sa Telegram channel mo at blog.
4. Ilagay ang channel mo sa channel catalog ng Telegram
Kung wala kang malaking badyet upang magpatalastas ng Telegram channel mo, maaari mong gamitin ang libreng Telegram channel catalog. Isa ito sa pinakamainam na paraan upang makakuha ng maliit na halaga ng trapiko para sa channel mo. Kung ang badyet mo sa pagpapatalastas ay kakaunti, maaasahan mo ito. Siyempre, kung nais mong mapasa-catalog, kailangan mong tugunan ang mga nakatakdang kahilingan.
5. Gumamit ng mga forum upang ikalat ang channel mo
Tiyaking ipatalastas ang channel mo sa mga forum gaya ng Quora, Reddit, at Mail.ru. Sa kabila ng iniisip ng karamihang eksperto sa pagmemerkado na “patay na” ang mga forum, napanatili nila ang pagkaepektibo nila. Tumugon sa mga komento at iwan ang link ng channel mo sa mga komento sa naturang mga post. Kahit mga sikat na bradn gaya ng IKEA at Adam&Eve ay gumagamit ng Reddit upang ipatalastas ang kanilang mga produkto.
6. Gumamit ng mga ad
Hindi pinapayagan ng Telegram ang anumang uri ng bayad na ad at, ayon sa may-likha nito, hindi na kailanman. Kaya yamang hindi pinapayagan ng Telegram ang mga bayad na ad, ang tanging paraan upang palawakin at makaakit ng mga bagong subscriber ay de-kalidad na content at mga panlabas na ad (Facebook at Instagram).
Patataasin ng isang ad mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ang bilang ng mga subscriber sa channel mo dahil sa pinataas na dami ng view. Ang kailangan mo lang gawin ay maghanap ng mga channel na may mainam na trapiko at katulad na content, kaugnayin ang tagapamahala, at magbayad ng ad para sa channel mo sa kanilang mga komunidad.
7. Huwag kalimutan ang mga Telegram sticker
Kung nais mong palawakin ang channel mo o mang-akit ng mga bagong subscriber, gamitin ang pakinabang ng paggawa ng mga personalized sticker sa Telegram. Makalilikha ka ng sarili mong sticker na may mga logo, mascot, at iba’t ibang mensahe upang magkaroon ang channel mo ng nakatutuwa at nakaaakit na mga ad.
Gagamitin ng mga subcriber mo ang mga sticker sa kanilang mga personal na mensahe. Yamang nakatatanggap ang Telegram ng mga 500,000 na bagong gumagamit kada araw, at may higit 70 bilyong mensaheng ipinadadala nila, isipin mo na lang ang uri ng kasikatang makukuha mo sa paggamit ng mga sticker ng Telegram.
8. Huwag kalimutan ang tungkol sa tulungang PR
Anumang uri ng content ay maaaring maipagpalit sa katulad na mga Telegram channel. Maibabahagi mo ang content nila, at maibabahagi nila ang iyo. Isa itong madaling paraan upang mapataaas ang bilang ng subscriber mo sa channel mo. Gayunpaman, nangyayari ang tulungang PR sa pagitan ng mga channel kapag may takdang bilang ng mga subscriber. Kung kakaunti ang subscriber mo, malamang ay kailangan mong magbayad upang magpatalastas ng content mo.
9. Gumawa ng sarili mong bot sa Telegram
Tutulungan ka ng isang Telegram bot na makatipid ng pera at mapabuti ang prosesong pang-kontrol ng koponan dahil kayang gawin ng isang bot ang maraming pangsyon. Simple lang ang paggawa ng isang Telegram bot.
10. Sundan ang dami at kalidad ng content mo
Maaaring magdulot ang labis na pagpapalitan ng content sa pagitan ng mga channel na maiwala ang mga tagasubaybay mo. Isa itong malawakang pagkakamali na ginagawa ng mga “batang” channel. Yamang ang Telegram ay isang app upang makipagpalitan ng mga kagyat na mensahe, ang pagkakaroon ng napakaraming notipikasyon mula sa isang channel ay maaaring magpadismaya at magpagalit sa mga tagasubaybay mo. Kaya, hangarin ang mataas na kalidad na content, hindi maraming bilang nito.

Paggamit ng nakaiskedyul na pagpo-post sa Telegram
Napakahalaga ng nakaiskedyul na pagpo-post sa Telegram para sa mataas na kalidad, malawakang content. Maaaring maglathala ang POSTOPLAN ng anumang uri ng content mula sa mga text message at larawan hanggang sa mga GIF at video anumang oras.
Ang POSTOPLAN ay itinuturing na pinakamainam na gamit pang-iskedyul ng pagpo-post ng content. Kaya nitong gawin ang maraming responsibilidad na umiiral sa pagitan ng mga kamanggagawa sa social media. Mangangailangan ang pagpapalawak ng channel mo ng higit na responsibilidad para sa kalidad ng content at pagiging napapanahon ng paglalathala. Ito ang maitutulong sa iyo ng POSTOPLAN.

Pinarurusahan ba ng Telegram ang autoposting?
Iniisip ng ibang tao na parurusahan ng Telegram ang channel mo sa paggamit ng autoposting, na magpapahina sa pagkaepektibo ng mga publikasyon mo. Isa itong haka-haka. Hindi nagpapataw ng anumang limitasyon ang Telegram sa paggamit ng mga gamit pang-iskedyul ng mga post.
Nanaliksik kami mismo upang kumbinsihin ka, at pinakikita na hindi negatibong nakaaapekto ang autoposting sa naaabot ng publikasyon mo. Higit pa rito, 20% ng mga mensaheng awtomatikong nalathala ang may mas mainam na istadistika kaysa mga mensaheng manu-manong nilathala.
Ang POSTOPLAN ay isang bukod-tanging serbisyo. Paplanuhin mo ang content mo at itatalastas sa mga tagasubaybay at kliyente sa isang kumbinyenteng interface. Ang POSTOPLAN ay may higit 700 idea para sa paglalathala sa kalendaryo. Naghahanap ka ba ng dahilan upang gumawa ng content? Ipadala ito sa mga tagasubaybay mo. Ang POSTOPLAN ang pinakamainam na serbisyo na mahahanap mo para sa nakaiskedyul na pagpo-post ng content.
Tandaan, hindi kusang lumalago ang organikong naaabot at mga tagasubaybay. Magiging walang bisa ang mga pagtatangka mo kung ang pangkalahatang content mo ay hindi nakapagbibigay-interes sa madla mo independente sa uri ng napili mong daluyan ng komunikasyon.

Narito ang 12 piraso ng payo na tutulong sa channel mong magtagumpay
1. Magsagawa ng mga sarbey sa Telegram
Isa sa mga pinakanakaaakit na pagpipilian sa Telegram ay ang kakayahang gumawa ng sarbey sa mga grupo at channel. Kung nais mong malaman kung gaano kasaya ang mga kliyente sa mga produkto at serbisyo o content mo, lumikha ng isang sarbey at ilathala ito. Sa ganong paraan, makakukuha ka ng tiyak at mapagkakatiwalaang resulta na magbibigay-kaalaman sa iyo kung ano ang kailangan mong baguhin o hindi baguhin kung kailangan.
2. Lumikha ng sarili mong natatanging logo
Sa negosyo (higit lalo sa social media), kailangan mo laging maing natatangi. Ang sarili mong natatanging logo ang tutulong sa iyong pataasin ang reputasyon mo. Huwag gumamit ng mga kopya ng larawan sa pagdidisenyo ng logo mo. Ang pinakamainam na pagpipilian ay pagpunta sa isang propesyunal na tagadisenyo na gagawa ng pinakamoderno at pinakanakaaakit na logo.
3. Maglathala ng video content
Sinusubukan ng bawat channel na maglathala ng higit na pagkakaiba-iba sa content nito hangga’t maaari, kabilang ang teksto, larawan, GIF, at video content. Hindi popular ang mahahabang pader ng teksto dahil kailangang gugulin ng mga mambabasa ang mahabang panahon dito. Subukang gumamit ng mga larawan at maiikling teksto pati na mga video. Nagpapakita sila ng mas mataas na antas ng pagkaepektibo sa mga madla.
4. Mag-isip ng bukod-tanging pangalan para sa Telegram channel mo
Kung nais mong magpatalastas ng channel mo sa ibang grupo o channel, ang unang makikita ng mga gumagamit ay ang pangalan mo. Kaya ang pangalan ng channel mo ay may malaking gampanin sa tagumpay nito. Dapat itong interesante. Kundi, hindi ito papansinin ng mga gumagamit. Higit na kakaiba at interesante ng pangalan ng channel mo, higit na magtatagumpay ang mga ad mo sa ibang channel. Ang liban ay kung kapangalan ng channel mo ang pangalan ng brand mo.
5. Huwag maglathala ng napakaraming ad sa channel mo
Maraming channel na may malaking madla ang gumagamit ng mga ad bilang mapagkukunan ng kita. Mahalagang malaman na maaaring magpagalit sa madla ang labis na ad at magsasanhing alisan nila ang channel. Kaya, subukang maglagay ng mga napapansing pagitan sa bawat post ng patalastas at maglathala ng higit na mataas na kalidad na content. Kung kinakatawan mo ang isang negosyo (brand), huwag kalimutang pasayahin ang madla mo gamit ang mga libreng serbisyo gaya ng nagtuturong mga audio file, mga diskwento, at mga podcast.
6. Maglathala ng mataas na kalidad na content
Dapat mataas ang kalidad ng content mo, at dapat bukod-tangi ito kung ikukumpara sa mga content ng mga kakumpetensya. Kundi, walang pakinabang ang content mo. Huwag mangopya ng impormasyon mula sa ibang channel. Maaari nitong sirain ang reputasyon mo, na mahirap nang ipanumbalik.
7. Magsulat ng interesante at bukod-tanging paglalarawan sa channel
Napakahalaga ng paglalarawan ng channel mo dahil madalas ito ang ikalawang bagay na nakikita ng isang tao pagkabisita niya sa channel mo. Dapat ipakita ng paglalarawan ang pagkanatatangi mo (gaya ng logo). Tiyaking gumamit ng mga hashtag sa paglalarawan. Bibigyan nito ang channel mo ng dagdag na pagkukunan ng trapiko.
8. Maging tapat sa madla mo
Pasibong inaapektuhan ng anumang nilalathala mo at ng kung paano ka nakikipag-ugnayan sa mga kliyente mo at meiyembro ng channel ang popularidad mo. Maaari nitong taasan o bawasan ang katapatan ng kliyente mo sa iyo. Sa pagiging magalang sa madla mo at pag-aalok ng mga serbisyo, makatatanggap ka ng maraming tugon sa page mo at makahahanap ng mga bagong kliyente.
9. Makipagpalitan ng content sa ibang channel
Isa sa mga pinakamainam na paraan upang mapataas ang bilang ng mga tagasubaybay mo sa Telegram channel mo ay ang kapwa palitan ng content. Ang kapwa PR ay sulit lang sa mga channel na may mainam na content yamang ang mga channel na may pangit na content ay karaniwang may mga bloated user (mga bot), at wala itong maitutulong sa iyo.
10. Maglagay ng ling tungo sa website mo sa paglalarawan ng channel mo
Paano ako makakukuha ng dagdag na trapiko tungo sa website ko gamit ang isang Telegram channel? Madali lang! Maglagay ng link sa paglalarawan, at tutungo ang mga interesadong gumagamit sa website mo nang kusa. Isa pa, huwag kalimutang maglathala ng mga link sa content mo. Isa rin itong epektibong paraan upang makaakit ng trapiko. Kung isa kang online store, isang kaakit-akit na alok ay ang paglalathala ng isang coupon at pagtatakda ng limitasyon na may link sa website mo.
11. Gumamit ng call to action (CTA)
May mahalang bahagi ang call to action sa mga post. Ginagawa ng mga tao ang hinihiling sa kanila. Kaya, ang post na may mga salitang “Mag-iwan ng mga like at komento!” ay mas matagumpay kaysa mga post na walang ganoon. Maaari kang mag-eksperimento at subukan.
12. Sundin ang analytics mo
Ang pagkilala sa target mong madla at mga kliyente ang unang hakbang sa paggawa ng epektibong content na magugustuhan ng madla mo at gagawa ng mga bagong impresyon.
Pinadadali ng POSTOPLAN na planuhin ang content mo sa mga social network. Ipadala ang content mo sa lahat ng plataporma mo, at magsagawa sa madla mo sa iisang interface.
Ang POSTOPLAN ay ang pinakamainam na sistema ng pamamahala para sa mga social media site at mga messenger (Facebook, Twitter, Telegram, LinkedIn, WhatsApp, Instagram, at Google My Business), na walang kapantay sa Internet. Ito ay pansansinukob, madaling gamitin, at ang pinakaepektibo. Ang sistema ng awtomatikong pagpo-post ng POSTOPLAN para sa social media at mga messenger ay may pinakamataas na kalidad para presyo na mahahanap mo.