Nakaiskedyul na pagpo-post sa Instagram: paano ito gawing mabilis at madali

Nakaiskedyul na pagpo-post sa Instagram

Upang simulang planuhin ang post, pindutin ang “Mad-iskedyul ng post”:

Upang magdagdag ng text, pindutin ang field na “Mad-iskedyul ng post”:

Upang magdagdag ng emoticon sa text, pindutin ang emoji icon:

Piliin ang pinakaangkop na emoji mula sa listahan at pindutin ito:

Upang magdagdag ng larawan o video sa post, pindutin ang angkop na icon:

Piliin ang katergorya ng post sa pamamagitan ng pagpindot sa arrow sa seksyon na ”Pumili ng kategoriya”:

Piliin ang pinakaangkop na kategorya at pindutin:

Pagkatapos, piliin ang mga group/page na kung saan ilalathala ang post. Kung may isang account lang na idaragdag sa proyekto, mapipili na ito nang default, at sa kasong ito, agad na ipapakita ang post sa seksyong Preview.

Kung nagdagdag ka ng ilang account, isang preview ng post ang laan para sa lahat ng account na ito. Sa pamamagitan ng pagpindot sa social network icon, makikita natin kung paano ang itsura ng post sa naturang social network.

Piliin ang ninanais na petsa ng at pindutin ito:

Upang piliin ang eksaktong oras ng paglathala, pindutin ang angkop na cell at ilagay ang hinihinging mga numero:

Pagkatapos ay pindutin ang “Iskedyul”:

Mga life hack sa paglathala: Instagram
Gawing mas madali ang gawain mo sa Instagram, mas produktibo, at mas episyente gamit ang mga life hack na ito:

I-block ang mga komento gamit ang mga keyword
Protektahan ang account mo mula sa mga negatibong komento sa pamamagitan ng pagsala ng mga komento.
Paano ito gagawin:
– Pumunta sa profile mo at pindutin ang tatlong guhit sa itaas na kanang kanto;
– Pindutin ang “Settings”, piliin ang “Privacy”, pagkatapos ay piliin ang “Comments”;
– Sa “Filters” na seksyon, paganahin ang “Hide offensive comments” at “Manual filter” na mga pangsyon;
– Sa lilitaw na field, ilagay ang mga salita/parirala/numero/smile na hindi mo nais makita sa mga komento.
Naiaaplay rin ito sa umiiral nang mga komento – lahat ng salita/parirala/numero/smile na tinukoy mo ay mabubura.

Itago ang mga hindi interesanteng lathalain
Kung hindi ka interesado sa mga story o post ng isang tao, ngunit sa ilang kadahilanan ay ayaw mo o hindi ka maka-unsubscribe sa kanya, maaari mong itago ang mga lathalain niya sa feed mo.
Paano ito gagawin:
– Buksan ang feed at hanapin ang anumang post mula sa taong may-ari ng mga post na nais mong itago;
– May tatlong tuldok sa kanan ng profile name – pindutin sila;
– Sa nabuksang menu, pindutin ang “Switch to mute mode”;
– Pagkatapos ay piliin at pindutin ang isa sa dalawang pagpipilian: “Temporarily Block Posts” o “Temporarily Block Posts and Stories”.

Palitan ang ayos ng filter at/o burahin ang mga hindi kailangang filter mula sa listahan
Hinahayaan ka ng Instagram na ilipat ang mga paborito mong filter sa ibabaw ng listahan.
Paano ito gagawin:
– Mag-upload ng isang larawan upang gawing posibleng magdagdag ng mga filter;
– Tumungo sa dulo ng listahan ng mga filter at makikita mo ang menu “Manage filters” – pindutin ito;
– Pagkatapos ay makikita mo ang isang listahan ng lahat ng filter sa isang bukas na window:

    1. a) Upang ilipat ang filter, pindutin ang dalawang-linyang icon sa kaliwa nito at habang hino-hold ang icon, ilipat ang filter sa listahan.
    2. b) Upang alisin ang filter mula sa listahan, pindutin ang tick sa kanan nito. Upang magdagdag ng filter pabalik sa listahan, pindutin ang hungkag na bilog sa kanan nito.

Magbahagi ng mga story sa Facebook
Sa Instagram mako-configure mo ang awtomatikong pamamahagi ng mga story sa Facebook.
Paano ito gagawin:
– Pindutin ang tatlong linya sa itaas na kanang sulok ng profile mo;
– Tumungo sa seksyon ng Settings;
– Pagkatapos ay pindutin ang “Privacy”;
– Piliin ang “Story”;
– Tumungo sa “Sharing” at i-enable ang “Share your story to Facebook”.

Anu-anong video format ang sinusuportahan ng Instagram
Kung kumukuha ka ng video sa phone mo at ia-upload ito sa social network, hindi ka magkakaproblema sa format, ngunit kung lilikha ka ng mga video clip para sa Instagram sa PC mo, kailangan alam mo ang lahat ng kahilingan.
Mga sukat ng video na sinusuportahan:
– Ang parisukat ay 600×600;
– Landscape – 600×315;
– Vertical orientation – 600×750 at 481×600.
Sinusuportahang mga aspect ratio: 1:1; 1:9; 4:5.
Mga sinusuportahang video format: 3g2, 3gp, 3gpp; asf; av; dat; m4v; mkv; mod; mov; mp4, mpeg4; nsv; ogm, ogv; qt; tod; ts; vob; wmv.

6 na Benepisyo ng Nakaiskedyul na Pagpo-post sa Instagram
Para sa ilang espesyalista, tila hindi pinakamahalagang tool ang awtomatikong pagpo-post sa Instagram, yamang madali itong mapapalitan ng isang tao. Isa itong maling opinyon, at ngayon ay titingnan natin kung bakit.
1. Nakatitipid ito ng oras.
Ang pinakamahalagang kalamangan ng auto-posting sa Instagram ay pagtitipid ng oras. Kung magpaplano ka ng content nang pitong linggong maaga, maaari mong maalis ang mga abala ng paggawa ng araw-araw na lathalain. Mas higit na episyente na planuhin ang ilang post nang minsan kaysa maabala sa prosesong ito araw-araw.
Kasinghalaga na ang content ay maaaring ilathala kapag online ang mga tagasubaybay mo. Independente mong tinutukoy ang oras ng publikasyon, inaaral ang mga resulta, at iniaakma ang iskedyul ng pagpo-post. Gamit ang awtomatikong pagpo-post ng Instagram, hindi na kailangang magtakda ng mga paalala para sa mga publikasyon.
Sa pamamagitan ng pag-iiskedyul ng mga post sa Instagram, makatitipid ka sa oras na magagamit sa ibang gawain. Kaya, tumutulong ang auto-posting na magtuon sa ibang mga gawain at taasan ang sarili mong pagkaepisyente.
2. Pinadadali nito ang proseso ng paglalathala
Sa karamihan ng kaso, gamit ng mga taong naglalathala nang sarili ang kanilang phone. Pinagiging kumplikado nito ang gawain sa account sa Instagram at pinipigilan ang wastong pamamahagi ng content.
Gamit ang serbisyo ng POSTOPLAN para sa awtomatikong publikasyon ng content, maaari mo nang kalimutan ang hirap ng pagpo-post ng mga larawan gamit ang phone. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga larawan sa kompyuter, pinadadali mo ang proseso ng paggamit sa kanila. At pinasisimple nito ang bagay ng pagbibigay-halaga sa photo content na ipo-post sa Instagram account mo.
Tinutulungan ka ng kompyuter na itago ang mahahalagang datos sa isang lugar. Sa halip na laging paggamit ng mahirap na phone interface, gumamit ng kompyuter at POSTOPLAN. Tutulungan ka nitong panatilihin ang account mo sa Instagram nang madali at kombinyente.
3. Nagbibigay ng isang istilong corporate profile
Kapag lumilikha ng isang Instagram profile, dapat mong iakma ang content mo sa istilong corporate mo. Ang pagkakakilanlan ng brand ang tumutulong sa mga tagasubaybay na matukoy agad ang content mo mula sa content ng mga kakumpitensya. Ang Instagram profile ay isang bahagi ng brand mo na hindi maaaring umiral nang nahihiwalay.
Dapat gawin sa parehong istilo ang bawat publikasyon at gamit ang isang natatanging filter, color scheme, at istilo ng text. Tutulong itong lumikha ng pagkakatulad sa mga post.
Tinutulungan ka ng pag-iiskedyul ng mga publikasyon na malaman ang istilo ng content at gawin ang bawat post ayon sa istilong ito. Sa POSTOPLAN, mas bumibilis ang paggawa ng content at mas episyente.
4. Pinararami ang bilang ng publikasyon
Tinutulungan ka ng pagpaplano ng content sa Instagram na maglathala nito nang mas madalas. Mas madali at mas mabilis ang paggawa ng maraming publikasyon nang minsanan kaysa isa-isa. Sinusulit nito ang oras at pinararami ang bilang ng post sa account mo.
Sa pamamagitan ng madalas na pagpo-post, pinararami mo ang bilang ng interaksyon sa madla. Positibo nitong inaapektuhan ang pagkilala sa brand mo at awtomatiko ring pinararami ang bilang ng like, komento, at saklaw.
Siyempre, tumutulong din itong mang-akit ng mga tagasubaybay. Kung palagian kang nagpo-post ng content at itinataguyod ito, 100% na tataas ang bilang ng mga tagasubaybay sa page mo.
Planuhin nang maaga ang content gamit ang POSTOPLAN at taasan ang bilang ng mga publikasyon. Matapos ang ilang linggo, tiyak na mapapansin mo ang malaking taas sa mga tagasubaybay.
5. Pinabubuti ang kalidad
Kapag nag-post ka ng mga larawan mo sa Instagram, isa sa pinakamahirap na gawain ay ang gumawa ng mga caption para sa kanila. Napakahirap na lumikha ng isang bagay na italagang interesante kung kailangan mo nang mag-post agad-agad. Ang pagmamadali sa teksto ng publikasyon ay may mas mababang dating sa madla at hindi magdudulot ng nais na resulta.
Bibigyan ka ng maagang pagpaplano sa Instagram ng pagkakataon na pag-isipan at lumikha ng mas mainam na teksto para sa mga nalathalang larawan. Maaaring gumugol ka ng oras na natipid mo gamit ang POSTOPLAN upang gumawa ng bagong orihinal at epektibong teksto sa publikasyon.
6. Tumutulong sa pagmo-monitor sa balanse ng content
Tutulungan ka ng nakaiskedyul na publikasyon sa Instagram na subaybayan ang pangkalahatang balanse ng naka-post na content. Ayon sa pananaliksik, upang epektibong mapanatili ang isang Instagram page, dapat sumunod ka sa 80/20 ratio — pang-aliw at promosyonal na content. Sa pamamagitan ng sariling pagpo-post sa Instagram, mahirap sundin ang istratehiyang ito.
Tutulungan ka ng pagpaplano na mapanatili ang isang 80/20 ratio at mapabuti ang istadistika mo. Sa pamamagitan ng maaga pagpaplano ng pagpo-post mo, agad mong mauunawaan kung kailangan mong baguhin ang isang bagay sa content plan o hindi.
Mahalaga ring mapanatili ang balanse sa biswal na bahagi ng nalathalang mga post. Marahil ayaw mong magkaroon ng labis na madilim o maliwanag na parawan.
Tutulungan ka ng pagpaplano ng mga Instagram post na mapabuti ang kalidad ng account mo. Gamit ang POSTOPLAN, makukuha mo ang pinakamainam na karanasan sa promosyon sa Instagram at magagawa ang kailangang pagbabago bago maglathala ng content.

Nagpaparusa ba ang Instagram sa paggamit ng auto posting?
May paniniwalang kapag gumamit ka ng auto posting, nagpapataw ang Instagram ng shadowban sa account, dahil dito bumababa ang saklaw ng publikasyon. Mali ang paniniwalang ito; pinabulaanan ng CEO ng Instagram sa isa sa kanyang panayam ang haka-hakang ito.
Upang maberipika ito, independente kaming nagsagawa ng pag-aaral na nagpakitang hindi nakaaapekto ang auto-posting sa saklaw ng mga publikasyon. Higit pa rito, 20% ng mga awtomatikong nilathalang post ang may mas mainam na istadistika kaysa manu-manong nilathalang mga post.

Ano ang pinarurusahan ng Instagram?
Kung lalabagin mo ang mga polisiya ng Instagram, malaki ang magiging pagbaba ng saklaw mo. Sumusunod ay isang listahan ng mga bagay na maaaring magsanhi ng shadowban.
1. Paggamit ng mga ipinagbabawal o sirang hashtag
Kung puno ang hashtag ng spam o hindi naaakmang content, ipinagbabawal ito ng Instagram. Kaya, ang mga bagong post na may ganitong hashtag ay hindi ipapakita, at mamamarkahan ang account mo sa Instagram algorithm. Labis na nakakahinayang kung ang mga inosenteng hashtag gaya ng #snowstorm ay mapapabilang sa Instagram blacklist.
2. Paggamit ng mga robot para sa mga suskripsyon, like, at komento
Ang mga bot ay mga profile na walang larawang nilikha na tanging parasa “black” na itinayong istadisyika. Makakapag-follow sila sa kahit sino at makakapagkomento sa anumang post. Ang mga komentong ito, bilang panuntunan, ay ganap na walang kinalaman sa mga publikasyon (“you look great,” “good post,”) at sinasamahan ng kakatwang emoticon.
Namumuhi ang Instagram sa mga bot na ito. Sila ay basura, nagpapabawas ng pagkakalahok, at walang idinudulot na halaga sa komunidad. Ito ang dahilan kung bakit binubura ng Instagram ang mga account na ito. Sa paggamit ng mga robot na ito, nagkaka-ghost subscribers ka at kakaunting naabot.
3. Paggamit ng mataming hashtag
Pinapayagan ng Instagram ang 30 hashtag lang kada post. Hindi ito nangangahulugang kailangan mong gamitin lahat ng 30 hashtag, subalit pupwersashin ng paglampas sa bilang na ito ang algotimo na magbigay-atensyon at magpataw ng isang shadowban.
Siya nga pala, walang kaso kahit ilagay mo ang mga hashtag sa description o mga komento. Hindi mo dapat ilagay ang 30 hashtag sa teksto ng publikasyon at isa pang 30 sa mga komento. Hindi gagana ang mga hashtag sa mga komento, dahil pagtutuunan lang ng Instagram ang nasa description.
4. Nalampasan ang Limitasyon
Nagtakda ang Instagram ng iba’t ibang restriksyon sa iba’t ibang aksyon sa application. Halimbawa, ang maximum na bilang ng like na maaaring magawa sa isang oras ay 3250. Kung hihigit ka sa 350 like, kukuning ito ng Instagram bilang isang spam at magpapataw ng shadowban.
Isa pa, huwag mag-subscribe sa napakaraming account. Ang maximum na account na maaaring mong i-subscribe ay 7500. Kung lalampas ka sa bilang, tatanggap ka ng error na mensahe at shadowban.

Paano maging isang matagumpay na Instagram brand?
1. Galingan mo sa content strategy mo
Marahil alam mo nang hindi sapat na mag-post lang ng ilang larawan o video at maghintay hanggang gawin ng madla ang kailangang aksyon. Dapat magtayo ka ng isang epektibong content strategy na gagana nang mas mainam kaysa ibang marketing campaign.
Narito ang ilang natatanging rekomendasyon para sa Instagram:

    • Suriin ang istadistika at subaybayan ang mga kakumpetensya. Humanap ng 5-10 kakumpetensya (parehong brand) at suriin ang kanilang pinakamaiinam na publikasyon sa nakalipas na ilang buwan. Tingnan ang lahat ng kanilang tampok na magkakaparehas: mga kulay na ginamit, mga uri ng larawan, at nilalaman. Pagkatapos ay aralin ang nakolektang impormasyon. Hindi mo kailangang kopyahin ang content ng ibang tao. Tutulungan ka ng isang pagsusuri sa mga kakumpetensya na maunawaan kung ano talaga ang nagbibigay-interes sa mga madla.
    • Lumikha ng mga content ayon sa magkakatulad na paksa o ideya. Bibigyan ka ng paggamit ng magkakatulad na paksa o konsepto ng content na magbibigay sa iyo ng content sa loob ng ilang buwan.
    • Subukang gumawang bukod-tanging content hangga’t maaari. Siyempre, mas madali itong sabihin kaysa gawin, ngunit mas pinahahalagahan talaga ng mga tagasubaybay ang mga bukod-tanging content. Dagdag pa, nagbibigay ang Instagram ng ilang paraan upang magkainspirasyon ka o magkaroon ng malikhaing ideya.
    • Mamuhunan sa mga app na pang-edit ng larawan, Adobe Photoshop man o VSCO. Alinman, dapat maging agaw-pansin ang content mo upang makuha ang atensyon ng madla. Laging naaakit ng isang maganda, agaw-hiningang larawan ang mga tao, at tutulungan ka rito ng mga application na pangproseso ng larawan.

2. Gumamit ng mga branded na hashtag
Hindi dapat labis na mapanghimasok ang brand. May napanipis na linya sa pagitan ng promosyon at obsesyon. Ayon sa istadistika, 57% ng gumagamit ang hindi nagfo-follow sa mga brand sa mga social network dahil karamihan sa branded content nila ay patalastas lang.
Upang maiwasan ang labis na pagpapatalastas habang itinataguyod ang brand mo sa social network, gamitin ang mga branded hashtag ng Instagram. Mahalagang malaman na 7 sa 10 Instagram hashtag ay branded. Nangangahulugan itong dapat bukod-tangi, madaling tandaan, at interesante ang hashtag mo.
Alalahaning ganap na suriin ang mga napiling hashtag, dahil maaari silang nauugnay sa iba pa.
Mahalagang malaman kung paano gumagana ang mga hashtag mo upang maiakma mo ito bago mahuli ang lahat. Gamit ang hashtag analytics tool, madali kang magkakaideya ng mga keyword at mga pinakaginagamit na hashtag sa Instagram.
3. Gumamit ng call to action
Ano ang nagbubunsod sa mga gumagamit na mag-subscribe at makilahok sa brand mo? Gaya ng nasabi na namin, ang pagkakaroon ng maganda at de-kalidad na mga larawan ay tiyak na tutulong sa pag-akit ng mga gumagamit. Gayunpaman, ano ang susunod na gagawin ng madla kung wala kang naaakmang call to action?
Napakahalaga ng mga text ng mga publikasyon sa Instagram para sa anumang matagumpay na account. Gamit ang isang text, halimbawa, makakapagbigay-atensyon ka sa limitadong bilang ng mga produkto, kaya magtutulak sa mga gumagamit na bumili ngayon din.
Ginagawa ng mga tao ang hinihiling sa kanila. Kaya, ang post na may mga salitang “Siguruhing mag-like at komento!” o “Huwag palampasin ang pagkakataon, umorder na,” ay mas matagumpay kaysa mga post na walang ganoon. Subukan mo.
Ang POSTOPLAN ay ang pinakamainam na sistema ng pamamahala para sa mga social media site at mga messenger (Facebook, Twitter, Telegram, LinkedIn, WhatsApp, Instagram, at Google My Business), na walang kapantay sa Internet. Ito ay pansansinukob, madaling gamitin, at ang pinakaepektibo. Ang awtomatikong sistema ng pagpo-post sa social networks POSTOPLAN ay ang pinakamainam na ratio ng kalidad/presyo na mahahanap mo.