Nakaiskedyul na pagpo-post sa Facebook: paano ito gawing mabilis at madali

Nakaiskedyul na pagpo-post sa Facebook
Upang simulang planuhin ang post, pindutin ang “Mag-iskedyul ng post”:

Upang magdagdag ng text, pindutin ang field na “Mag-iskedyul ng post”:

Upang magdagdag ng emoticon sa text, pindutin ang emoji icon:

Piliin ang pinakaangkop na emoji mula sa listahan at pindutin ito:

Upang magdagdag ng larawan o video sa post, pindutin ang angkop na icon:

Piliin ang katergorya ng post sa pamamagitan ng pagpindot sa arrow sa seksyon na ”Pumili ng kategorya”:

Piliin ang pinakaangkop na kategorya at pindutin:

Pagkatapos, piliin ang mga group/page na kung saan ilalathala ang post. Kung may isang account lang na idaragdag sa proyekto, mapipili na ito nang default, at sa kasong ito, agad na ipapakita ang post sa seksyong Preview.

Kung nagdagdag ka ng ilang account, isang preview ng post ang laan para sa lahat ng account na ito. Sa pamamagitan ng pagpindot sa social network icon, makikita natin kung paano ang itsura ng post sa naturang social network.

Piliin ang ninanais na petsa ng publikasyon at pindutin ito:

Upang piliin ang eksaktong oras ng paglathala, pindutin ang angkop na cell at ilagay ang hinihinging mga numero:

Pagkatapos ay pindutin ang “Iskedyul”:

Mga life hack sa paglathala: Facebook
Gawing mas madali ang gawain mo sa Facebook, mas produktibo, at mas episyente gamit ang mga life hack na ito:
Lumikha ng isang 360-degree a larawan
Gulatin ang mga subscriber mo gamit ang paikot na mga panorama.
Paano ito gawin:
– I-download ang Google Street View app;
– Pindutin ang “+” sa ibabang kanan at piliin ang “Camera”.
Gamitin ang isang video bilang avatar mo
May kakayahan ang mga iPhone o Android user na magdagdag ng 7-segundong video sa halip na isang profile photo.
Paano ito gawin sa iPhone:
– I-tap ang avatar;
– Pindutin ang “Take a New Profile Video”, o sa “Upload a Video”;
– Pagkatapos, pindutin ang “Edit” upang magtakda ng mga kailangang opsyon: “Shorten”, “Sound”, “Cover”, at pindutin ang “Done”;
– Pindutin ang “Frames” upang magdagdag ng frame sa video;
– Kung nais mong panandalian lang ang profile video mo, pindutin ang “Make Temporary”at piliin ang nais na petsa;
– Pagkatapos ay pindutin ang “Use”.
Upang magdagdag ng Android profile video, kailangan mong ulitin ang parehong hakbang. Subalit may ilang pagkakaiba:
– Matapos pindutin ang “Edit” may pagpipilian ang mga gumagamit ng Android: “Shorten”, “Cut” at “Thumbnail”;
– Sa halip na “Done” at “Use” magkakarOon ng buton na “Save”.
Mga suportadong format ay: .gif; .jpeg; .png; .psd; .bmp; .tiff; .jp2; .iff; .wbmp at .xbm.
I-synchronize ang mga Facebook at Google calendar mo
Kung gamit mo kapwa ang mga kalendaryong ito sa trabaho, panahon nang pagsamahin sila.
Paano ito gagawin:
– Magpunta sa seksyon ng Events at pindutin ang Upcoming:
-Pumili ng isa sa mga kaganapan at magpunta sa settings nito;
– Pindutin ang “Export Event”;
– Sa bagong window, kopyahin ang link sa ilalim ng pariralang “Subscribe to all nearby events in your calendar”;
– Buksan ang Google Calendar mo at pindutin ang “Other Calendars” sa kaliwang menu;
– Pagkatapos ay pindutin ang “Add with link”, at i-paste ang link.
I-configure ang mga awtomatikong tugon
Paano tutugon sa mga kahilingan kahit kapag hindi ka online, itakda ang Response Assistant.
Paano ito gagawin:
– Magpunta sa mga settings mo at pindutin ang “Messaging” na tab;
– Sa seksyon ng “Response Assistant”, pindutin ang “Jump to Section” upang i-configure ang lahat ng kailangang opsyon.

Mga kalamangan ng nakaiskedyul na pagpo-post sa Facebook
Maraming may-ari ng malalaking business account sa FB ang naniniwalang walang anumang pakinabang ang nakaiskedyul na pagpo-post, kung kaya ang paggamit nito ay pag-aaksaya ng pera. Isa pang argumento laban sa paggamit ng nakaiskedyul na pagpo-post ay ang shadowban ng FB sa paggamit ng mga ikatlong-partidong program. Parehong mali ang dalawang argumento.
Nagbibigay ang pagpaplano ng mga post sa social network ng maraming kalamangan para sa lahat ng negosyo. Makakagarantiya ang pagtitipid ng oras at enerhiya ng matagumpay na mga kampanyang social media marketing. Makikita mo sa ibaba ang mga pakinabang ng paggamit ng nakaiskedyul na pagpo-post sa FB.
1. Pinananatili ang pagkakatulad at kalidad
Ang pinakamalaking kalamangan ng nakaiskedyul na pagpo-post sa Facebook ay ang pagpapanatili ng kalidad ng content mo, dahil gagawa ka nang mas maaga sa paglalathala nito. Isa pa, tinutulungan ka ng nakaiskedyul na pagpo-post na manatili sa mga pagitan ng oras sa bawat post.
Halimbawa, nagplano ka sa Lunes ng lahat ng limang post para sa linggo. Dahil ang content ay ilalathala nang awtomatiko, lahat ng post ay ilalathala sa oras. Kahit na abala ka, gagawin ng auto-posting ang lahat para sa iyo. At dahil gumugol ka ng oras na lumikha ng content nang maaga (kaysa mag-isip pa ng paksa bawat oras bago ang paglalathala), ang kalidad ng content na nilalathala mo ay tumataas.
2. Tumutulong na makamit ang maximum na sakop na tagasubaybay
Ang manu-manong paglalathala ng content sa Facebook ay isang mainam na bagay hanggang sa kailangan mo nang mag-post kahit tapos na ang oras ng trabaho, halimbawa, sa gabi. Talagang totoo ito para sa mga account ng mga internaysunal na kumpanya, kung saan kailangan mong maabot ang mga tagasubaybay sa lahat ng time zone.
Nagpaplano ka man o hindi na maglunsad ng isang produkto o pagpapabago ng kumpanya, inaalis ng pagpaplano ang presyon sa social sphere at tumutulong sa iyong magpokus sa ibang bagay.
Gamit ang mga naantalang paglalathala ng FB, awtomatikong nalalathala ang mga content sa pinili mong oras. Kahit 7pm o 2am, lalabas pa rin ang content sa feed ng mga subscriber mo. Sa ganitong paraan, maaabot mo ang higit na tao gamit ang pinakakaunting panahon.
3. Tinutulungan kang pataasin ang pagkaepisyente
Huli, tinutulungan ka ng pagpaplano ng content sa Facebook na maging mas episyenteng gawain sa mga social network. Ayon sa American Psychological Association, maraming pag-aaral ang nagpapakita na binabawasan ng multitasking ang pagiging produktibo. Bagama’t tila hindi mahirap ang pagpapapalit-palit sa pagitan ng paggawa ng content sa Facebook at ibang gawain, ipinapakita ng mga pag-aaral na “maging ang maiikling mental block, na gawa ng pagpapapalit-palit ng gawain, ay bumubuo ng halos 40% ng produktibong oras.”
Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi interesado ang mga tao sa mga business account ay ang labis na halaga ng advertising content. Sinusunod ang rule 80/20 (80% malikhain at 20% promosyonal na content) upang maaliw at makakuha ng bagong mga kostumer sa parehong oras. Sa auto-posting, madali nang gawin ang istratehiyang ito.
Kasabay sa pagkaayon sa oras ng nalathalang content, makagagawa ka gamit ang POSTOPLAN. Planuhin nang maaga ang pangunahin mong content sa mga social network at magtakda ng oras ng paglalathala sa parehong araw. Tinutulungan ka ng pagpaplano ng content na gumawa ayon sa napili mong promotion strategy at mag-post ng higit pang content.

Nagpaparusa bang ang Facebook sa paggamit ng auto-posting?
Sinasabi ng ilang espesyalista na nagpapataw ng parusa ang Facebook sa mga account na gumagamit ng mga tool ng ikatlong-partido sa pamamagitan ng pagpapakita ng content sa kakaunting tao.
Totoo ba ito?
Gumawa ang POSTOPLAN ng isang eksperimento upang makita kung totoo ito. Nalaman naming walang malaking kaibhan sa pagitan ng awtomatikong nalathalang content at manu-manong nilathalang content. Natamo ng ilang nakaiskedyul na content ang mas mataas na istadistika kaysa manu-manong nilathalang content.

Paano lumikha ng epektibong mga Facebook post
Bago mo simulang maglathala ng content, pumili ng sarili mong istilo ng pagpepresenta nito. Tutulungan ng sarili mong istilo ang iyong tagasubaybay na makakuha ng pinakamainam na content at tutulungan ang negosyo mong iwasan ang mga nakakahiyang sitwasyon.
1. Ilathala lang ang akma sa tema ng page mo
Isipin kung paano ang magiging itsura ng Facebook post mo sa news feed. May kaugnayan ba sila sa page mo? Halimbawa, maaaring ma-ban ang post mo at hindi lalabas sa feed kung magpo-post ka ng hindi nauugnay sa paksa ng grupo.
2. Huwag labis na bigyang-kabigatan ang mga tagasubaybay mo
Huwag gumawa ng labis na content para sa madla mo sa Facebook. Gayundin naman sa mga kopyang mensahe. Huwag punuin ang mga mambabasa ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mensahe nanag pauli-ulit. Papapangitin lang nito ang istadistika.
3. Ilathala ang mga post sa tamang panahon upang masulit sila
Higit na nakikita ng mga tao ang mga Facebook post mo, higit na pagkakataong mapataas mo ang aktibidad, trapiko, at makakuha ng mga bagong tagasubaybay o kostumer.
Nalaman ng mga eksperto naming ang pinakamainam na oras na mag-post sa Facebook ay sa pagitan ng 12 at 3pm sa Lunes, Miyerkules, Huwebes, at Biyernes. Sa weekends ay nagbabago ito. Ang pinakamainam na oras ay mula 1 hanggang 4pm.
4. Laging tingnan ang analytics
Ang pagkilala sa target mong madla at mga kliyente ang unang hakbang sa paggawa ng epektibong content na aapila sa mga tao at gagawa ng tamang impresyon.
Pinadadali ng POSTOPLAN na planuhin ang content mo sa mga social network. Pamahalaan ang mga content sa lahat ng plataporma mula sa iisang lugar.
5. Gumawa ng eksperimento sa mahahabang lathalain
Napakahalagag malaman kung ilang salita ang handang basahin na mga tagasubaybay mo. Minsan sapat na ang isang maikling paglalarawan ng isang pangyayari o paksa. Sa ilang kaso, mahalagang maglathala ng mahabang text upang mapaging interesado hangga’t posible ang mga tagasubaybay mo. Maglathala ng mga post na iba-iba ang sukat at suriin kung aling content ang mas gusto ng mga tagasubaybay.
6. Hikayatin ang mga tagasubaybay na magkomento
Mag-iwan ng mga tanong sa dulo ng mga lathalain at hikayatin ang mga tagasubaybay na makipag-ugnayan sa mga komento. Nais ng mga taong makipag-ugnayan ngunit nais din makipagtalo. Hindi lang patataasin ng aktibong pagkokomento sa content mo ang pagkasangkot ng mga tagasubaybay kundi patataasin din ang istadistika, kaya siguruhing makakaisip ka ng tanong para sa mga tagasubaybay mo na hindi nila masasawalang-bahala.
7. Gumamit ng Call to Action (CTA)
May mahalang bahagi ang call to action sa mga post. Ginagawa ng mga tao ang hinihiling sa kanila. Kaya, ang post na may mga salitang “Mag-iwan ng mga like at komento!” ay mas matagumpay kaysa mga post na walang ganoon. Maaari kang mag-eksperimento at subukan.

7 opsyon para sa nakakahikayat na content araw-araw
1. Potograpiya at infographics
Ipinapalagay na ang biswal na impormasyon ay mas mainam sa tuyong teksto, at napatunayan ito ng mga siyentista. Gugugol ng ilang panahon upang maunawaan ang teksto kaysa maunawaan ang mga larawan. Napakakumbinyenteng palitan ang mahahabang teksto ng infographics. Kumbinyente ang infographics dahil siksik nilang ipinararating ang pakahulugan at madaling maunawaan at maalala. Higit pa rito, ang mga infographic ay mga content na mas nagiging viral.
Ilathala ang larawan ng mga empleyado, masasayang kostumer, at gamitin ang mga larawang mahirap na hindi pagtuunan ng pansin. Ang tagumpay ng post ay madalas nakadepende sa larawan.
2. Mga Tip “Ano ang gagawin kung…”
Pinahahalagahan ng mga tao ang mga pratikal na payo, lalo na para sa mga bagay na mahirap hanapan ng sagot sa Internet. Maglathala ng gawa nang solusyon o isang algoritmo para sa pagtuos sa problema kapag nangyari na ito. Lubhang patataasin ng post na ito ang istadistika mo.
3. Video
Ang video content ay nasa rurok ng popularidad nito. May malaki itong popularidad, madalas ay nasa ibabaw ng mga search, at nagdadala ng mga bagong kostumer. Sa pagpapabayang gumamit ng video, nawawalan ka ng mga bagong kostumer.
Magdagdag ng mga subtitle sa video mo at gawing interesado hangga’t maaari ang mga tagasubaybay mo. Dahil tahimik na pini-play ang mga FB video, tutulungan ka ng mga subtitle na makuha ang atensyon ng mga tagasubaybay at mapatapos sa kanila ang video.
4. Ipakita ang backstage ng negosyo mo
Pinahahalagahan talaga ng mga tao ang eksklusibong impormasyon. Maglathala ng mga larawan at magbahagi ng mga karanasan at nakamit. Hindi lang nito pagagandahin ang istadistika mo kundi patataasin din ang kumpyansa ng mga tagasubaybay mo sa iyo at sa mga serbisyo mo.
5. Maglathala ng mga interesanteng sipi
Ito na marahil ang pinaka-“walang hanggang” uri ng content na nabuhay mula sa pinakasimula pa ng Internet. Kadalasan, nagiging viral content ang mga sipi. Mabilis itong kumakalat sa mga page ng FB at mabilis nakakakuha ng mga like. Gayunpaman, hindi ka dapat malibang sa paglalathala ng mga sipi; maaaring magdulot ng negatibong dating sa istadistika mo ang labis nilang dami.
6. Mga Tugo mula sa mga kliyente
Ang tugona ng pinakamainam na paraan upang pataasin ang tiwala sa brand. Ang gawin mo lang ay kaugnayin ang kostumer at tanungin ang mga impresyon niya sa produkto o serbisyo. Napakaepektibo ng mga video review bagama’t medyo mahirap silang makuha.
7. Pagbati
Ito marahil ang pinakapangkalahatang uri ng content. Maraming holiday sa taon, ngunit hindi mo dapat sobrahan at batiin ang lahat. Magbigay ng pagbati ng holiday sa mga madla para lang sa mga holiday na may kinalaman sa negosyo mo.
Ang pinakakaraniwang pagbati ay Maligayang Bagong Taon, Marso 8, at Linggo ng Pagkabuhay. Gayunpaman, kung gagalingan mo pa, marami kang mahahanap na propesyunal na holiday. Maglathala ng mga interesanteng artikulo sa tema ng holiday at maghandog ng mga diskwento.
Tutulungan ka ng mga pagbati tuwing holiday na lumikha ng isang mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng negosyo mo at ng madla, pataasin ang kumpyansa, at makakuha ng mga bagong kostumer.

Mga Tip upang ma-optimize ang Facebook page mo
1. Kumpletuhin ang page profile
Idagdag ang cover sa profile mo. Bakit napakahalaga nito? Ang cover ay ang unang nakikita ng bisita. Dapat agaw-pansin ito at interesante. Ang isang gawang-propesyunal na cover ay isa sa mga susi sa epektibong promosyon sa Facebook.
Punuan ang mga field para sa impormasyon. Tutulong itong umakit ng mga bagong tagasubaybay mula sa Facebook search. May mahalagang gampanin ang Facebook page address. Dapat madali itong matandaan at simple. Kung higit sa isa ang social network mo, gamitin mo ang parehong address saanman. Patataasin nito ang pagkakita sa negosyo mo sa mga social networking site.
2. I-optimize ang page mo
Nagulat ka ba? May mga panuntunan sa SEO ang Facebook gaya ng Google. Upang wastong ma-optimize ang Facebook page mo, magkaroon ng listahan ng mga keyword na nauugnay sa negosyo mo. Siguruhing gamitin mo sila sa unang 75 na karakter sa page description mo. Kasinghalaga ring gamitin sila sa mga post at paglalarawan ng video (o larawan) na ia-upload mo.
3. Gawin naka-fix ang mahahalagang post
Ang naka-fixGawin naka-fixmpormasyon na obligasyong basahin. ang bumibisiya sa page mo. Ang isang naka-lock na post ay dapat lang maglama na content ay ang unang nakikita ng sinumang bumibisiya sa page mo. Ang isang naka-lock na post ay dapat lang maglaman ng mahalagang impormasyon na obligasyong basahin.

    • Anunsyo ng isang pangyayaring limitado ng oras, gaya ng sale
    • Isang epektibong mahabang babasahin o anumang ibang artikulo na may mainam na conversion rate (nagdadala ng mga kostumer)
    • Content na nilika kasama ang mga kasosyo at nagpapataas ng tiwala sa iyo

Ano ang content plan, at bakit mo ito kailangan?
Ang content plan ay isang marketing strategy na nagtataguyod sa negosyo mo (brand) sa mga social network. Ang isang mainam na content plan ay may:

    • Isang malinaw na listahan ng mga gol at layunin
    • Audit ng umiiral na mga social network account
    • Kumpetitibong pagsusuri
    • Ang pangunahing balangkas ng istratehiyang social media content
    • Content plan
    • Mga paraan ng pagsukat at pagsusuri ng pagsasagawa

Ang pagpapaunlad ng isang epektibong istratehiya para sa mga social network ay hindi mabilis. Kailangan ng isang epektibong content plan upang masiguro ang tagumpay na presentasyon ng kumpanya sa mga social network.
Ang POSTOPLAN ay ang pinakamainam na sistema ng pamamahala para sa mga social media site at mga messenger (Facebook, Twitter, Telegram, LinkedIn, WhatsApp, Instagram, at Google My Business), na walang kapantay sa Internet. Ito ay pansansinukob, madaling gamitin, at ang pinakaepektibo. Awtomatikong pagpo-post mula sa POSTOPLAN – ang pinakamainam na ratio ng kalidad/presyo.